OURKITALKS
OURKITALKS: Social Media Fraud
Archi CZ: Arkiclappers?
Archi J: So! Welcome back to Ourkitalks. I am Archi J and itutuloy na natin yung segment sa social media series. In the past week, we have already tackled about social media trends of 2020 sooo… Today, we are going to talk about social media fraud. Bago natin simulan, I will be discussing this topic with few of my fellow Archi friends. Introduce yourseeelf guys.
introduce themselves
Cezy: Archi CZ
Carl: Archi S
Carlos: Archi CT
Xylene: Archi X
Ymnwl: Archi Y
Mary: Archi M
Archi J: So yeah, of course, lahat naman tayo diba gumagamit ng social media?
Everyone: Yess!
Archi Y: Sino bang hindi, hah?
ArchiJ: So bakit nga ba tayo gumagamit ng social media?
Archi M: Ako sasagot niyan. Kasi diba minsan, sa panahon natin ngayon, sobrang NEED na talaga ng social media and napakaconvenient niya dahil sa nakakapagcommunicate tayo ng mabilisan. Sabay, nakakaconnect tayo sa isa’t isa.
Archi S: Ayun nga ehh. Actually ang purpose ko talaga kung bakit ako ng social media, ay ayun nga, communication siya, pang ano na rin, kunyare, update update gamit ang Facebook, Twitter atsaka Instagram. Ayun. Atsaka ano, ang useful talaga ng social media ngayon kasi—
Archi CZ: Nagiging in touch tayo atsaka nagiging updated sa mga nangyayari. Kunyare sa mga news, sa mga current events. Hindi naman na tayo gumagamit masyado ng newspaper ganyan kaya mas nagrerely na tayo sa social media. Tapos, siguro, parang entertainment na rin. Kunyare, pag bored ka ganyan, shempre, cellphone or computer.
Archi M: Naglalaro sa games.
Archi CZ: Diba.
Archi M and Archi Y: mutters answers that are a bit inaudible.
Archi CT: Atchaka, para sa akin, parang, we, as humans, yung parang yung nature natin maghanap ng makipagsocialize sa ibang tao.
Archi M: Curious.
Archi CZ: Oo.
Archi CT: Parang kahit sinasabi na ng ibang tao na mahirap sila makipagsocialize, yung social media nagoopen up ng avenue para pag give way na para pagexpress ang sarili.
Archi CZ: Pag share ng opinion.
Archi J: So out of those positive answers, do you think possible mangyari yung fraud sa social media?
Archi X: Oo. Kasi parang, natural na yun sa, sa lahat. Like, kunwari gumawa ka ng isang magandang bagay. Syempre parang… kunwari, invention. Oo ganon. So probably, meron siyang setback, kaya laging may babalik at babalik sayo
Archi J: Actually, problems really happen in social media and yung magiging basehan natin today is from US Norton. Nakalagay doon – Top 5 Social Scams. So yung pinakauna sa list nila is the chain letters. What do you mean by chain letters?
Archi X: Ako, sasagot ako. Chain letters kasi, so familiar naman tayo sa chain letters. Marami nun sa messenger ganyan, telegram. ‘Yun yung mga text na paulit-ulit galing sa iba-ibang tao. ‘Yun yung may laman na minsan panakot, minsan pagmamahal ganon. Yung example nun, wait lang, sinendan kasi ako nun so babasahin ko nalang. “Anniversary ng Tender Juicy Hotdog ngayon! Ipasa mo ‘to sa – guys, making kayo saakin. Ipasa mo ‘to sa 10 tao bago mag 12am, kung hindi, magiging hotdog ka. Yung tita ko hindi niya pinasa, naging hotdog siya. Archi zc? Cezy? Shut up. Wait lang making muna kayo. Ayon, naging hotdog siya. Ipasa mo na please.’Wag kang tumawa. Ayaw kitang maging hotdog.” So ang ano niya no? Parang yung point niya is –
Archi M: ‘Di siya realistic.
Archi X: Oo, tsaka ba’t tayo manininwala dito diba? Ayon.
Archi M: Magiging hotdog ka.
Archi J: So sa example ni Archi X, sa tingin niyo ba, may bad effect yung chain letters sa mga tao
Archi M: Uhh.. Usually meron kasi may mga naniniwala, meron talaga nacacall talaga sa mga ganung chain letters kasi di mo rin alam kung anong nangyayari diba, kasi di moa lam kung sinong nagsend.
Archi CT: Marami ring ano, parang maraming nawawaste na resources ng tao parang monetary – pera nila, time nila. Most importantly yung time nila kapag naloko sila sa ganun
Everyone: *laughs*
Archi X: Oo tsaka ano, yung iba kasing ano, chain message, nag-iinvolve na siya ng death ng kunwari kapag di mo to pinasa mamamatay yung nanay mo. So paano ‘pag sinned sayo yun nang gabi diba, so mag-ooverthink ka na “Hala, ‘di na ko matutulog. Babantayan ko nanay ko.” Ganun.
Archi J: So umm, next point is cash grabs so what do you mean by cash grabs? Umm actually it means ano, texting random people na kailangan nila ng pera uhh –
Archi CZ: Ay ako, meron ako, kahapon. Kahapon ba yun? Ano, may nagtext sa akin, eh syempre student lang ako diba? May nagtext sa akin na number …“Ma, paload ako dito sa number na toh, 250 (pesos). Tas binigay yung number. Eh syempre di naman ako nanay! Hahaha, bat naman ako maniniwala dun diba? Kaya ayun, na alam ko na ano siya cash grab siya kasi di naman siya believable eh.
Archi X: Tapos ako, may kwento rin ako. Kahapon, yung kuya ko, nakareceive din siya ng message na similar sa kaniya. Pero di ko nakita yung number so feeling ko nga same lang ng sender kasi sabi rin niya “Ma, paloadan mo ko” eh kuya ko nga yun paano siya naging nanay?
Archi CZ: Ay same kami ng kuya mo.
Archi J: Sa akin, actually, malala kasi ano na siya eh credit card. Yung nanay ko, like, may nagmessage sa kaniya na kailangan niyang bayaran yung about sa credit card niya. Buti na lang nandun ako nung time na yun na parang kinukulit niya ako na “Uy lai, ibigay mo yung number ko para mabayaran tong kailangang bayaran.” Buti na lang na aware ako sa mga ganitong bagay at yun, naexplain ko naman sa kaniya na hindi yun legit.
Archi J: So, sa tingin niyo madami nang napahamak dito since hindi sila aware sa mga ganitong kind ng fraud?
Archi CT: Meron talaga kasi lalo na yung mga bata madali silang maloko sa mga ganung klaseng fraud kasi di nila kayang magidentify ng mga tamang nagsesend ng ganong information.
Archi J: So, next is hidden charges. Sino kayang iexplain yung hidden charges?
Archi CT: Meron akong isang experience sa hidden charges. May inaaral akong kanta for music – guitar. Nagsearch ako ng chords pero yung gusto kong gawin, di prinoprovide ng website. Nung tiningnan ko kung paano… hinahanap ko yung way na makita ko yung gusto ko, yung website na yun nagooffer siya ng subscription. Tas nagsign-up ako dun, may one-month free trial kaya nagsign-up ako dun. Yung di ko lang alam na ano… parang ang hirap niyang ican- I mean nacancel ko siya pero nacancel ko siya after niya akong icharge kasi may hidden charge siya. Kahit di mo gamitin overtime, machacharge ka. Kasi, nacancel ko siya parang 1 month after kong nag-sign up. Alam kong kulang information nila dun, sabi nila sign-up for free trial tas sabi nila magstostop yung free trial. Di nila sinabi na after nung trial na yun magiging legit na account na kailangan mong bayaran every month. Tas nacharge ako ng 148 pesos eh yung ginamit ko pa nun, card ko, nakita ko lang notification ko. Tas yun, pinakita ko kay Daddy, nagalit din siya kasi bakit daw ako nagsisign-up ng ganun nang hindi ko binabasa. Pero alam ko ako yung tama dun kasi alam ko talagang kulang yung information na binigay nila na parang yung binibigay nilang information di sapat para malaman mo na may hidden charges ka na binabayaran.
ARCHI X: Pero kung may ganong situation diba nakuha nga nakuha pera mo, pano mo marerefund yung pera?
ARCHI CT: Yung sa case ko, walang refund.
ARCHI CZ: Di na siya marerefund.
ARCHI M: Kadalasan lahat ng cases ng ganyan di mon a marerefund, not unless legit yung kinuhaan mo.
ARCHI CZ: Oo, katulad ng binangit mo hindi siya masyado nag provide ng info. Kaya dapat maging careful tayo sa mga sinasign apan naten. Maging mindful tayo sa mga binabasa tyaka ginagamit lalo na pag ginagamit lalo na pag ininvolve na yung pagbibigay ng credit cards, email, at number kasi hindi naman siya credible enough para itrust yung site na yon.
ARCHI J: So ayun, next point is phishing requests.
ARCHI X: Yung phishing ba yung phis?
ARCHI Y: Oo, hindi yung F.
ARHI M: Baket phishing?
ARCHI CZ: Yung friend ko may pinakita siya saken, nag sscroll siya non sa twitter tas biglang may nabasa siya na link “To gain more followers”. So clinick niya.
ARCHI M: Nako
ARCHI CZ: Kala niya syempre mag ggain, tas after niya mag exit nakita niya dami nag dm sakanya. Dami nag ddm sakanya “ano to ano to?”. Tas nakita niya sa convo na may nasend pala siya na convo sakanila. May nasend pala siya na link sakanila. Parang yung link na binuksan niya ginamit yung account niya para isend yung isa pang link sa iba. Kaya ayon.
ARCHI M: Nag chain.
ARCHI CZ: Ooo
Archi X: Tingin ko naka-experience na rin ako ng ganun, feeling ko nga ako yung nasendan nun eh
Archi CZ: Talaga?
Archi X: Siguro. Hindi ko alam, marami na rin kasing nakakaexperience ng ganyan so…
Archi M: gusto kasi ng iba na maggain ng followers nagsesend ng ganyan sayo eh
Archi CZ: Phishing request kasi, parang kapagkaOpen mo ng link magbibigay ka ng account dun sa site; sa kanila. Tapos magkakaroon sila ng control dun sa account mo, Kaya siguro na-aaccess nila yung DMs ganyan. Kaya na iispam nila yung ibang mga people, friends….
Archi J: So.. Yung last point is Hidden URL. So.. What does it mean by Hidden URL
Arki Y: Hidden URLs, yan yung, naranasan ko yan nung nanonood ako sa mga streaming websites, pipindutin ko na yung play biglang may lalabas na ibang link na parang, mananalo ka ng ganyan kalaking pera, tas di naman pala. Tas biglang scam rin, Soo, kailangan ready ka nalang dun, kaya ako rin eh i-eexit ko nalang kaagad para…
Archi X: Para di ka maloko
Archi Y: Oo, Para di ka maloko
Archi S: Sa Hidden URLs, Oo nga. Sabi nga sakin ng kaibigan ko eh, parang ano raw yun. Kapag kinlick, kunyare kinlick mo tung isang, kunyare; sample nga yung Play Button. Sa 123movies, ay yung isang example nun. Pagkapress mo ng play button bigla nalang magdadirect sa ibang site ganun. Tapos parang, minsan sasabihin niyang magreredirect pero hindi naman pala talaga. Hindi ka talaga niya ireredirect dun sa site na gusto mo talagang piliin.
Archi CZ: Scaaaam
Archi J: So, sa mga concluding questions natin. Una is, do you still trust social media?
Everyone: Yes.. no…
Archi M: Oh, bakit?
Archi X: Ako yes pa rin.
Archi S: Ano nga eh, depende naman sa nagpost, dun yung concern ko. Then kung alam kong mapagkakatiwalaan ko yung nagpost edi siyempre, maniniwala ako sa sinabi niya. Meron nga minsan may mga poser accounts yata yung mga ganun tas nag iispread ng fake news, ganun. Sabi raw buong China infected na raw sa NCOV ganun, seryoso yun ah nakita ko sa isang post kagabi, pero nung nakita ko naman sa isang post kagabi. Pagtinignan mo naman dun sa… Kunyare, sa News, sa FB rin. Sa Philippine Red Cross ganun. Nagpopost sila, ilan lang naman yung infected ganun…
Archi CZ: Ako ano, nung sakin, kasi ayun nga katulad dun sa sinabi mo na ang daming posers. Ayun, di naman sa di mo siya tinaTrust pero hindi dapat maging masyadong reliable sa social media. Kasi, yun nga di mo naman alam talaga totally kung saan nanggagaling yung information eh. Tao nga di mo ma-trust eh, Internet pa kaya?
Archi J: Bakit sa tingin mo ginagawa ng mga tao yung fraud?
Archi Y and Archi M: Sa tingin ko, kaya ginagawa niya ito is for money and fame, katulad nung hidden charges. Syempre gusto mo ng pera kaya gagawa at makakagawa ka talaga ng mali para sa pera. Tapos yung fame rin, yung sa followers, posers, yung phising, nagiging desperate for fame
Archi J: So last question, ano sa tingin mo yung possible solution sa fraud?
Archi X: Feeling ko education, awareness and experience. Kaya education and awareness kasi dapat tinuturo to sa mga school, kasi dito mostly yung mga gumagamit ng social media. Sila dapat yung mga natuturuan. Tsaka experience kasi syempre, di ko naman sinasbi na kailangan niyo muna ma-experience yung mga fraud nay an pero making tayo dun sa mga naka-experience na. Tulad kanina, ang dami kong natutunan sa sharing.
Archi J: So that concludes our topic for today!
Everyone: Yey
Archi J: So tutuloy natin yung last segment ng Social Media Series next week. Thank you nga pala guys for joining me today!
Cezy: This is Archi CZ
Carl: Archi S
Carlos: Archi CT
Xylene: Archi X
Ymnwl: Archi Y
Mary: Archi M
Lalai: and Archi J
Archi CZ: Archiclappers??
